Connect with us

Viral

Isang abogado, tumanggap ng mga sariwang alimango mula sa kaniyang kliyente na walang pambayad para sa kaniyang “appearance fee” na malugod naman niyang tinanggap!

Published

on

Nakakalungkot mang isipin ngunit marami na tayong napapanuod at naririnig na hindi kaaya-ayang balita tungkol sa mga taong mahihirap at mahihina na naagrabyado ng mga taong maimpluwensiya, mayaman at makapangyarihan. Madalas na nga ring nasisisi ang batas dito sa ating bayan dahil ayon sa ilang mga Pilipino ay talagang hindi kayang maipanalo ang isang kaso lalo na kung ang kanilang kalaban ay maraming pera at talagang maimpluwensiya.

Ngunit kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang abogadong ito mula sa Sorsogon na mayroong hawak na isang tangkas ng mga alimango. Ang kaniyang larawan ay kuha sa harapan mismo ng “Bulwagan ng Katarungan”.

Ayon sa Facebook post ni Attorney Noel Allen Bose nito lamang Hunyo 16 ay nagkaroon sila ng maiksing pag-uusapan ng kaniyang kliyente pagkatapos ng kanilang “hearing”. Wala daw kasing maipambabayad na pera ang kaniyang kliyente para sa kaniyang “appearance fee” kung kaya naman magalang itong nagtanong kung maaari bang yung sariwang huli na lamang nila ang kaniyang ibayad.

Agad namang sumagot ang abogado at sinabing wala itong problema sa kaniya. Nang makita niya ang sariwang huli ng kaniyang kliyente ay nagulat pa rin ang abogado dahil sa hindi niya akalaing isang bigkis pala ng alimango ang kaniyang matatanggap.

Nakakatakam naman talaga ito at mahal d in ang presyo nito sa pamilihan kung kaya naman laking tuwa na rin ng abogadong makatanggap nito. Hindi lamang niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniya kapag naubos na niya ang mga alimangong ito, biro pa niya.

Kapag kasi nasobrahan ng pagkain nito ay tiyak na makakasama sa ating kalusugan. Tunay nga na naging napakabuti ng abogadong ito dahil sa hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang makakaya ng kaniyang kliyente.

Marami ding mga netizens ang sumaludo sa abogadong ito. Nawa ay mas marami pang propesyonal ang maging katulad mo Atty. Noel Allen Bose upang mas marami pang mga mahihirap na Pilipino ang matulungan.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media