Connect with us

Viral

Ginang na mayroon nang dalawang anak, palaging napagkakamalang nobya ng kaniyang mga anak dahil sa pambihira niyang ganda!

Published

on

Madalas nating marinig ang mga katagang “Beauty is in the eye of the beholder”. Kung sisikapin at iisipin nating mayroon tayong angking kagandahan ay talagang makikita ito sa ating panlabas na hitsura.

Image: Laurence Nathalie Raniego/Facebook

Agad itong mapapansin ng mga taong nakapaligid sa atin kung kaya naman dapat tayong maging maalaga hindi lamang sa ating kalusugan at pangangatawan kundi maging sa ating kaisipan. Marami ang hindi makapaniwala na 53 taong gulang na ang ginang na ito.

Image: Laurence Nathalie Raniego/Facebook

Madalas kasi siyang napagkakamalan na kasintahan ng kaniyang mga anak na lalaki. Si Puspa Dewi ay sikat na sikat sa Indonesia.

Mayroon siyang higit sa 440,000 na mga followers sa Instagram. Hindi lubos akalain ng mga netizens na nakakita sa kaniyang mga larawan na higit sa 50 taong gulang na pala siya.

Image: Laurence Nathalie Raniego/Facebook

Mayroon na siyang dalawang mga anak na lalaki at tulad niya ay talagang gwapo at makikisig din ang mga ito. Masayang masaya rin siya sa kaniyang buhay may-asawa.

Talaga namang mapapansin sa mga larawan niya kasama ang kaniyang mga anak ang pambihira niyang ganda. Nagtataglay din siya ang balingkinitang pangangatawan kung kaya naman hinding hindi mo mapapansin ang kaniyang edad.

Image: Laurence Nathalie Raniego/Facebook

Higit pa rito, isa na rin pala siyang lola dahil sa nito lamang ika-20 ng Pebrero, 2020 ay ipinakilala na nila sa publiko ang panganay niyang apo na anak ng kaniyang anak na si Dennis Hadi. Bakas sa kaniyang mukha ang labis na kaligayahan dahil sa bagong biyaya na ito sa kanilang buhay.

Image: Laurence Nathalie Raniego/Facebook

Bagamat marami ang nagtataka sa kaniyang sikreto kung paano siya nagmukhang bata sa kabila ng kaniyang edad ay nanatili pa rin talaga itong misteryo. Marahil sa halip na magtaka at mainggit ay mas nararapat na pahalagahan at mahalin din natin ang ating mga sarili dahil sa tiyak na ibabalik din naman ng ating katawan ang pagmamahal at pag-aalaga na ibinibigay natin sa araw-araw.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media