Connect with us

Showbiz

Ellen Adarna may mainit na sagot sa tanong na kung siya ba ang tipo ng babaeng chinecheck ang cellphone ng kaniyang fiancé na si Derek Ramsay!

Published

on

Si Ellen Meriam Go Adarna ay 33 taong gulang na aktres, modelo at social media influencer. Maliban sa pagiging isang showbiz personality ay marami din ang nalula sa mga negosyo ng kaniyang pamilya na mayroong dugong Chinese.

Sa katunayan ay pagmamay-ari nila ang “Queensland” na isa sa pinakamalaking motel sa Cebu, Maynila at Davao. Nagpatayo rin ang kaniyang pamilya ng sariling templo nila bilang pag-alaala sa nasira niyang lola.

Halos ilang taon na rin ang nakararaan ng maging usap-usapan ang pagtakas nila ng aktor na si John Lloyd Cruz sa maingay at magulong mundo ng showbiz. Sa kanilang naging relasyon ay nabiyayaan sila ang isang anak, si Elias Modesto.

Bagamat tuluyan nang naghiwalay ang dalawa ay tumatayo pa rin silang mga magulang para sa kanilang anak. Sa ngayon ay “engaged” na si Ellen sa aktor na si Derek Ramsay na ex-boyfriend naman ng Kapuso actress na si Andrea Torres.

Hindi naman malinaw sa kanilang mga fans at supporter ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Ngunit ilang linggo lamang matapos nito ay naging bulong-bulungan na ang pagiging malapit nina Derek at Ellen ayon sa ilang mga artikulo.


Sa ngayon ay muli na namang nag-ingay ang mga bashers at supporters ni Ellen matapos niyang sagutin ang tanong kung isa nga ba siya sa mga babaeng mahilig mag-check ng cellphone ng kanilang mga karelasyon. Narito ang kaniyang sagot:

“I never check his phone. I’m not an ugly, psych0 b*tch. Yung mga ganyan, para sa mga pangit lang iyan, mga insecure, at praning. Hindi ko napagdaanan iyan. Never! Gwapa ko dzai pero kung mag-binuanag siya, goodbye!” Pahayag ni Ellen.

Marami ang humanga sa naging sagot niyang ito dahil talaga namang punong-puno ito ng kompiyansa sa sarili bilang isang babaeng karelasyon. Ngunit marami din ang hindi nagustuhan ang kaniyan mga ginamit na salita dahil tila hindi niya naisip na maaaring mayroong ilang mga kababaihan na nakakaranas ng mahirap na sitwasyon kung kaya nagagawa nila ang i-check ang cellphone ng kanilang mga karelasyon.

Bagamat sensitibong paksa din naman ang “privacy” sa pagitan ng magkakarelasyon, nagpahayag ang maraming mga kababaihan na hindi rin masamang i-check nila ang cellphone ng kanilang mga nobyo o asawa lalo na kung mayroon na silang paghihinala at kakaibang nararamdaman. Hindi rin daw nila ito ikina-panget bagkus ay nais lamang nilang mahalin ang kanilang sarili at hindi na magbulag-bulag kung sakaling nagloloko nga ang kanilang minamahal.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media