Connect with us

Showbiz

Blooming at younger-looking na si Marian Rivera, nagbahagi ng kaniyang beach photo online kung saan nagkakahalaga pala ng Php40,000 ang kaniyang swimsuit attire!

Published

on

Talaga namang napakaganda at napakaseksi pa rin ni Marian Rivera kahit pa nga mayroon na siyang dalawang anak! Kamakailan lamang ay nagbahagi ang Kapuso Primetime Queen ng isang napakagandang larawan niya sa beach.

Kapansin-pansin ang mala-Diyosa niyang kagandahan, ang porselana niyang kutis at ang balingkinitan niyang pangangatawa. Marami din sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang nakapansin sa kaniyang simple ngunit napakagandang swimsuit attire.

Ang suot niya palang ito ay one-piece Dior swimsuit na mayroong V-neck design at criss-cross back straps. Nagkakahalaga ito ng $660 o katumbas ng Php31,534.80.

Maliban sa kaniyang mamahaling swimwear ay mayroon din siyang high-domed Lame papier hat Gucci na gawa sa shiny lame threads at grosgrain band na mayroong bow with metal bee design. Halos nasa Php24,367.00. Samantala, ang kaniya namang gold necklace na “Vintage Alhambra Pendant” mula sa Van Cleef & Arpels ay nagkakahalaga naman ng $3,550 o katumbas ng Php169,619.00.


Marami rin sa mga sikat na artista ang nagbahagi ng kanilang pagkamangha kay Marian. Ayon kay Aiko Melendez ay maganda raw ang aktres “inside and out”.

Habang “Vyurifulzzzzz!!!” naman ang naging komento ni Vice Ganda. Na-inspire naman si Chynna Ortaleza sa aktres dahil sa angking kagandahan nito.

Napakaganda pa rin talagang tunay ni Marian Rivera na minsan nang gumanap sa telebisyon bilang si MariMar, Maria La Del Barrio, Dyesebel, Darna, Amaya, Shantal at marami pang iba. Hanggang sa ngayon ay marami pa rin sa mga tagahanga ni Marian ang nasasabik nang makita siya sa harap ng telebisyon o di kaya naman ay gumawa ng ilang pelikula.

Ngunit dahil na rin sa pandemya ay sinabi niyang hindi niya kayang isaalang-alang ang kaniyang pamilya lalo na ang kaniyang mga anak kung kaya naman magpopokus na lamang siya ngayon sa kaniyang pamilya at negosyo. Talaga namang pinagpala si Marian dahil sa halos nasa kaniya na ang lahat.

Sa kabila nito at nanatili pa rin siyang mapagpakumbaba sa lahat ng pagkakataon na pinatunayan na rin ng mga dati niyang nakatrabaho sa industriya. Mapapa-“sana all!” ka na lang talaga, hindi ba?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media