Connect with us

Viral

Batang naulila ng kaniyang mga magulang, ayaw umalis sa kanilang puntod dahil umaasa pang babalik ang mga ito!

Published

on

Walang ibang hangad ang mga magulang para sa kanilang mga anak kundi ang mabuhay sila ng maligaya at makamit nila ang mga pangarap nila sa buhay. Napakasarap maging isang magulang, kahit pa napakarami ring mga pagsubok at paghihirap ay talagang nagagawa pa rin nating magpasalamat dahil sa pambihirang biyaya na ito mula sa Diyos.

Image: Azuan Shamsuddin/Facebook

Maaaring madalas tayong magalit dahil sa pagiging iyakin nila o di kaya naman ay sa mga simpleng bagay ay talagang hindi na sila mapatahan pa. Ngunit mas maraming pagkakataon din naman ang napapangiti at napapabilib tayo ng ating mga anak.

Nakakalungkot lamang isipin na mayroon palang ibang mga kabataan na nauulila ng maaga sa kanilang mga magulang. Tulad na lamang ng isang batang ito mula sa Bachok, Malaysia.
Siya ay walang iba kundi si Arfan. Sadyang napakamura pa ng kaniyang isipan upang maunawaan na kailan man ay hindi na magbabalik pa ang kaniyang mga magulang.

Labis ang pagtataka ng kawawang bata nang hindi na maimulat ng kaniyang mga magulang ang kanilang mga mata at nasa loob na lamang ng mga kahon pagkatapos mangyari ng isang nakakatakot na aksidente. Ayaw iwanan ng kawawang bata ang puntod ng kaniyang mga magulang kung kaya naman naisipan na lamang ng kaniyang mga kamag-anak na sabihing doon na titira ang kaniyang mga magulang sa ilalim ng lupa.

Image: Azuan Shamsuddin/Facebook

Ano mang pilit nila sa bata ay nais talaga nitong manatili sa puntod ng kaniyang mga magulang. Nang malapit nang magdilim ay napilit din nila ang batang pumasyal na lamang muli kinabukasan sa kaniyang mga magulang.

Talaga namang napakasakit nito para sa isang magulang na makita ang kaniyang anak na nangungulila sa kaniya. Ngunit kailan man ay hindi natin mahahadlangan ang mga bagay na nakatakda na.

Marahil ay hanggang doon na lamang talaga ang buhay ng kaniyang mga magulang at mayroong plano ang Diyos para sa buhay nang batang naulila.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media