Connect with us

Health

“Water Spinach” sa Pilipinas, isang “superfood” sa murang halaga lamang!

Published

on

Noon pa man ay marami nang mga Pilipino ang talagang “health conscious”, hindi lamang dahil sa nais nilang magbawas ng timbang o magpapayat kung di dahil gusto talaga nilang bantayan ang kanilang kalusugan. Mas lalo pang naging matindi ang pagnanais ng marami sa atin na maging malusog buhat ng kumalat ang pandemya sa bansa.

Wala itong pinipiling edad kung kaya naman talagang matinding disiplina ang kailangan upang makaiwas sa delikadong sakit na ito. Kamakailan lamang ay naitampok ng mag-asawang doktor na sina Doc Willie at Doc Liza Ong sa kanilang YouTube channel ang isang napakasustansiya at napakamurang gulay na matatagpuan dito sa ating bansa.

Ang “water spinach” o ang “kangkong”. Madali lamang mag-alaga ng ganitong klase ng gulay at talaga namang mabilis itong dumami sa maikling panahon lamang.

Lingid sa kaalaman ng marami na ang kangkong ay mainam para sa kalusugan ng ating mga mata. Mayroon kasi itong Vitamin A at beta-carotene para sa ating malinaw na paningin.

Mayaman rin sa Vitamin C ang kangkong, kailangang kailangan natin ngayon ang bitamina na ito upang mas mapalakas pa ang ating “immune system”. Makakakuha rin tayo ng “Iron” sa gulay na ito na makabubuti naman lalo na para sa mga taong anemic at maging sa mga nagdadalang-tao.

Maniniwala ka rin ba na mayroon din itong “anti-aging properties” na kailangan naman ng ating balat upang maging malusog ito. Mayaman din ito sa fiber na malaking ginhawa para sa mga taong constipated, mainam din ito para sa ating “digestive health”.

Ang pagkain ng kangkong ay mabisa rin upang mapababa ang ating “blood pressure” dahil sa “potassium content” nito na nakakatulong na mabawasan ang epekto ng “sodium” sa ating katawan na nagdudulot ng mataas na presyon ng dugo. Tunay nga na sa murang halaga Php10 kada isang tali ay kayang kaya mo nang maghanda ng masustansiyang pagkain para sa iyong buong pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media