Connect with us

Viral

Nars, ibinahagi ang naging pagtatagpo nila ng isang delivery rider na anak pala ng isa sa kanilang mga pasyente!

Published

on

Tayong mga Pilipino ay talagang sobrang malapit sa ating mga kapamilya. Kung kaya naman sa gitna ng hirap ng buhay ay talagang nagsusumikap ang marami sa atin upang makatulong at maiahon sila sa hirap.

Napakasakit lang talagang maranasan na ang isa sa kanila ay dapuan ng matinding sakit o karamdaman. Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang nakakaantig na kwento ng nars na ito. Siya ay nakilala bilang si John Marzan.

Sa ibinahagi niyang kwento ay isinalaysay niyang nagpa-deliver sila ng pagkain sa isang sikat na fast-food chain. Abalang-abala sila ngayon sa ospital dahil sa talagang napakarami na ng mga positibong kaso ng COVID-19 at patuloy pa rin itong nadadagdagan.


Nang dumating na ang kanilang pagkain ay medyo naantala pa ang kaniyang pagbaba dahil sa dami ng kanilang ginagawa kung kaya naman humingi siya ng paumanhin sa delivery rider. Napansin niyang malalim ang iniisip ng rider na agad naman nagtanong sa kaniya kung mayroon ba silang pasyente na binanggit niya ang pangalan.

Sumagot naman ng “oo” ang nars at talagang natigilan na siya sa sunod na sinabi ng rider. “Tatay ko siya. Alagaan niyo po siyang mabuti.”

Hindi na napigilan pa ng rider ang kaniyang sarili at talagang bumuhos ang kaniyang emosyon. Naantig naman ang nars at sinabing gagawin nila ang lahat upang makauwi na ang kaniyang tatay sa kanila.

Para kay “John Marzan”, batid niyang isa siyang masungit na nars dahil sa gusto niyang maging maayos ang kalusugan ng mga pasyenteng inaalagaan niya. Ngunit sa panahon natin ngayon, maraming mga nars, doktor at iba pang mag “frontliners” ang gusto na lamang sumuko dahil sa matinding pagod at panganib na kinakaharap nila sa araw-araw.

Sa kabilang banda, mas nangingibabaw pa rin ang pagnanais nilang makatulong at makapagsalba ng buhay ng kanilang kapwa tulad na lamang ng tatay ng delivery rider na ito.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media