Connect with us

Showbiz

Mariel Rodriguez-Padilla, ipinasilip sa kaniyang mga tagahanga ang kaniyang “headband collection”

Published

on

Si Maria Erlinda Lucille Sazon Termulo-Padilla o mas hinangaan ng maraming Pilipino bilang si Mariel Rodriguez-Padilla o Mariel Rodriguez ay isang Filipino-born American na commercial model, endorser, television host, VJ at aktres. Sa ngayon ay isa na rin siya sa pinakakilalang YouTuber o vlogger sa bansa.

Mayroon na siyang higit sa 868,000 na mga subscribers sa kaniyang YouTube channel. Ang isa naman sa mga “most requested vlog” para sa kaniyang mga tagahanga ay ang kaniyang “Headband Collection”.

Tulad ng ilang mga artista, isa rin sa hilig ni Mariel ang pagsusuot ng mga headband. Marahil ay mas marami sa atin ang nangongolekta ng mga mamahaling damit, sapatos, bag at alahas ngunit para kay Mariel ay masayang masaya na siya sa koleksyon niyang ito ng mga headband dahil noon pa mang bata siya ay talagang hilig na niya ang mga ito.


Para kasi sa kaniya ay mas nagiging kumpleto ang kaniyang OOTD o ang kabuuan niyang hitsura kung siya ay nakasuot ng headband. Abril 21, 2021 nang i-post niya ang vlog niyang ito na sa ngayon ay mayroon nang 297,149 views. Tuwang tuwa ang kaniyang mga tagasuporta dahil sa wakas ay napasilip na sa kanila ni Mariel ang isa sa mga hilig nito. Sadyang napakaganda rin ng kaniyang mga koleksyon.

Ibinahagi din ni Mariel sa kaniyang latest vlog kung saan niya nabili ang mga ito at kung kanino nanggaling ang iba sa mga headband na ito. Kahit ang dalawa niyang anak na sina Isabella at Gabriela ay nahihiram at naisusuot rin ang ilan sa mga ito.

Ang mag-asawang Robin at Mariel ay talagang mahal na mahal ng publiko dahil sa pagiging mapagmahal at mapagmalasakit nila sa kanilang kapwa. Minsan na ring napabalita ang ginawa nilang pabahay para sa kanilang mga kasambahay na hindi makauwi sa kanilang mga pamilya dahil sa pandemya.

Kung kaya naman minabuti na lamang nilang ipagpatayo ng munting tahanan ang kanilang mga kasambahay upang hindi na sila mangulila at mag-alala pa sa kanilang mga pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media