Connect with us

Viral

Kakaibang imahe sa loob ng isang simbahan sa Palawan, nagdulot ng kilabot at katatakutan sa publiko!

Published

on

Maraming mga misteryo at kababalaghan ang madalas nating marinig sa ating mga lolo at lola kahit noon pa man. Hindi na bago ang ganitong mga kwento sa marami sa atin dahil sa kadalasan ay nakalakihan na rin natin ang mga ito.

Sa katunayan ay marami ring mga misteryosong nilalang ang kilala ng maraming mga Pilipino at bawat probinsiya pa nga ay mayroong kaniya-kaniyang tawag sa mga ito. Kamakailan lamang ay naging palaisipan sa marami ang nakuhang larawan na ito sa Santa Potenciana Church sa Barangay Sibaltan, El Nido, Palawan.

Sa Facebook post kasi ni Father Marvin Alili na kuha mismo mula sa cellphone ng isa sa kanilang mga sacristan ay makikita ang tila kakaibang imahe sa harapan mismo ng kanilang altar. Sabado ng gabi noon, Abril 17, 2021 nang makuhanan ang larawang ito.

“Kahit ako kinilabutan. Sa unang kuha ng camera wala pang bata, ‘yung pangalawang take niya meron nang bata,” Pahayag ni Fr. Alili.

Dagdag pa ni Fr. Alili, hindi naman ito ang unang beses na makaranas sila ng nakakakilabot na pangyayari dahil sa noon pa man ay nakakaramdam na rin ang kaniyang mga kasamahan sa kumbento. Kung mayroon daw silang mga natutulog na bisita doon ay madalas daw na nakakarinig ang mga ito ng iyak ng bata, mga yabag ng paa, at minsan pa nga ay kumakatok pa sila sa pinto.

Bagamat wala pang ano mang ebidensiya ay talagang naniniwala na ang mga residente doon patungkol sa mga pagpaparamdam na ito. Samantala, mayroon namang ibang opinyon ang cinematographer na si Joemarian Casidsid.

Ayon sa kaniyang paliwanag ay maaaring ilusyon lamang na nalikha ng camera. Posible na dahil isang anggulo lamang ang nakuha nito at malayo pa ang kuha ng mga larawan kung kaya naman hindi rin maitatanggi na maaari itong maging isang “camera illusion”.

Ano nga kaya ang nakuhanang imahe na ito sa loob mismo ng simbahan

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media