Connect with us

Amazing

Isang lumang bahay, nagkaroon ng napakagandang resulta matapos ang “minimalist renovation” dito!

Published

on

Hindi natin maipagkakaila na maraming mga Pilipino ang nangangarap na magkaroon sila ng sarili nilang bahay na masasabi talaga nilang kanila. Sadyang napakamahal na kasi ng presyo ng lupa sa ngayon maging ang mga materyales sa pagpapagawa ng bahay ay talagang napakataas na rin.

Image: Surumpa Jareonsin/Facebook

Sa kabila ng hamon na ito ay marami pa ring nagsusumikap na mabago ang kanilang buhay at sa wakas ay makapagpundar na ng pangarap nilang bahay at lupa. Kung marami sa atin ang nagsasabing imposibleng makamit an gating “dream house” dahil sa aabutin talaga ito ng ilang milyong piso, pinatunayan naman ng netizen na ito na hindi mo na kailangan pang gumastos ng malaki magkaroon ka lamang ng magandang bahay.

Image: Surumpa Jareonsin/Facebook

Ayon sa post ng netizen na nakilala bilang si Surumpa Jareonsin, marami ang nabigla sa naging transpormasyon ng luma nilang bahay. Nagmukhang mas maaliwalas at malinis ang kanilang bahay nang mapinturahan ito ng puti.

Image: Surumpa Jareonsin/Facebook

Ang kanilang buong bahay ay sumailalim sa isang “minimalist renovation”. Ang kanilang kusina o “kitchen area” ngayon ay talagang napakalinis at napakaluwag nang tingnan.

Image: Surumpa Jareonsin/Facebook

Maging ang kanilang hagdan ay mas naging elegante ring tingnan ngayon kaysa sa luma nilang hagdanan. Ang kanilang kwarto naman ay simple lamang ngunit talagang marerelaks ka ng husto dahil sa mga “light colors” at simpleng mga kagamitan na inilagay roon.

Image: Surumpa Jareonsin/Facebook

Ang kanilang sala o “living room” naman ay mayroon na ring “minimalist touch”. Mayroon ditong isang simple at mahabang sofa at isang halaman. Maaari din palang magkaroon ng isang maganda, maaliwalas at eleganteng tahanan kahit sa murang halaga.

Image: Surumpa Jareonsin/Facebook

Talaga namang maraming mga netizens ang hindi na nakapagpigil pa sa pagkokomento at pagsasabing pangarap din nilang magkaroon ng ganitong tahanan. Simple lamang ngunit talagang nanaisin mong umuwi kaagad matapos ang isang nakakapagod na araw sa trabaho.

Image: Surumpa Jareonsin/Facebook

Maaari din palang maisakatuparan ang pangarap nating bahay nang hindi tayo gumagastos ng milyong halaga ng salapi.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media