Connect with us

Viral

Ginang na nagbigay ng kaniyang ambag sa isang community pantry sa halip na kumuha para sa kaniya at sa kaniyang pamilya, inulan ng papuri mula sa publiko!

Published

on

Unti-unti nang nagsusulputan ang mga “community pantry” sa iba’t-ibang panig ng bansa. Talaga namang buhay na buhay pa rin ang pagbabayanihan ng maraming mga Pilipino.

Mahigit sa isang taon na rin ang nakararaan buhat nang magsimulang kumalat ang pandemya sa bansa. Sa ngayon ay marami na ang mga taong umaaray sa hirap ng buhay.

Hindi na rin kasi mabilang pa ang mga negosyo na kinailangang magsara at mga manggagawang nawalan ng trabaho. Kahit mahirap ay marami na rin ang pumapasok sa mga online business o di kaya naman ay sa mga delivery services.

Nagbibigay man ng kaunting tulong ang pamahalaan ay hindi pa rin ito sapat sa bawat pamilya kung kaya naman kaniya-kaniya na rin ng diskarte ang mga Pinoy. Kamakailan lamang ay marami na ang naglunsad ng “community pantry” sa iba’t-ibang dako ng bansa upang lalo pang matulungan ang mga taong naghihikahos sa buhay.

Ang mga “community pantry” na ito ay naglalayon na maabutan ng tulong ang mga pamilyang hirap at kapus-palad. “Magbigay ayon sa kakayanan at kumuha ayon sa pangangailangan” ang sikat na linya ngayon kahit saan ka man magpunta.

Tunay nga na hindi lahat tayo ay kaya itong isapamuhay dahil tiyak na mayroong kukuha ng higit sa kanilang kinakailangan. Naiulat na rin ang mga mapagsamantalang ito sa ilang mga balita matapos nilang kuhanin lahat ng laman ng isang “community pantry”.

Ngunit kakaiba ang kwentong ito ng isang ginang na nag-abot ng tulong sa isang “community pantry” sa Pamplona, Cagayan Valley. Sa unang tingin ay talagang kapansin-pansin na talaga na maging ang ginang na ito ay hirap din sa buhay.

Ngunit sa halip na kumuha sa mga pagkain at ilan pang pangunahing pangangailangan sa mesa na nasa kaniyang harapan ay siya pa mismo ang naglagay ng ilang mga gulay rito. Sa simpleng pamamaraan niya ito ay tila nagising ang publiko na kahit sa pinakasimpleng paraan ay kaya rin nating tumulong.

Sabi nga sa isang matandang kasabihan, mas mainam nang magbigay kaysa ang tumanggap dahil sa tiyak na mas maraming pagpapala ang nagbibigay kung kaya naman kaya pa niyang magbahagi sa iba.

Source: Facebook, Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media