Connect with us

Viral

Babaeng mayroong pinakamahabang kuko sa buong mundo, nagpa-manicure na makalipas ang 30 taon!

Published

on

Ang ating buhok ang itinuturing na “crowning glory” ng maraming mga kababaihan. Tila ba nakakadagdag kumpiyansa sa sarili kung mayroon kang maganda at malambot na buhok.

Ngunit maliban pala sa pisikal na anyo at buhok ng isang babae, ang kaniyang kuko ay maaari ding pagandahin pa lalo. Ngunit maniniwala pa kayo na mayroong isang babae na nagpahaba ng kaniyang kuko sa loob ng 30 taon!

Sa una ay talagang mamangha ka at bibilib kung paano niya nagawang alagaan ang kaniyang kuko sa loob ng tatlong dekada. Hindi rin biro ang pagpapahaba ng mga kuko niyang ito dahil sa halos iisa lamang sila ng sukat.

Ibig sabihin ay naging maingat talaga siya na walang maputol kahit isa man sa mga ito. Ngunit kamakailan lamang ay nagdesisyon na si Ayanna Williams mula sa Houston, Texas na ipagupit at tuluyan nang ipaputol ang kaniyang mga kuko na ubod ng haba.

Noong taong 2017 ay kinilala si Williams ng “Guiness Book of World Records” sa pagkakaroon niya ng pinakamahabang kuko sa buong mundo. Ang kaniyang kuko ay mayroong sukat na 24 feet o halos 733 cm.


Sa ibinahaging video ng “Guiness Book of World Records” sa kanilang Instagram account ay makikita ang naging pagputol sa kaniyang mga kuko. Bagamat malaki ang kaniyang panghihinayang dahil sa matagal niya rin itong inalagaan ay ginusto na rin niyang ipaputol ito dahil sa nakakaranas na siya ng hirap sa paggawa ng mga gawaing-bahay tulad na lamang halimbawa ng paghuhugas ng mga pinggan o di kaya naman ay paglilinis ng kwarto.

Dahil sa napakahaba niyang kuko ay gumamit na lamang ng “electric rotary tool” si Dr. Allison Readinger ng “Trinity Vista Dermatology”. Ang tinanggal na kuko ni Williams ay idi-display sa museo ng “Ripley’s Believe It or Not” sa Orlando, Florida.

Ayon pa kay Williams, “With or without my nails, I will still be the queen. My nails don’t make me, I make my nails!”


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media