Connect with us

Viral

Artistahin at napakagandang kapatid ni Joshua Garcia na si Lorenza Mae, kilalanin!

Published

on

Marami tayong hinahangaang aktor at aktres sa bansa. Hindi lamang dahil magaganda, gwapo, at seksi sila kundi dahil sa mahuhusay talaga silang mga artista.

Maliban pa sa mga katangiang ito ay ang pagiging mabuti nilang tao. Kadalasan din ay mapagmahal sa pamilya ang mga iniidolo nating artista.

Dahil sa kanilang mga pamilya kung kaya sila nagsusumikap ng husto sa kanilang mga trabaho. Isa na marahil sa mga artistang ito ang 23 taong gulang na si Joshua Garcia.

Siya ay isang aktor, mananayaw at commercial model. Taong 2015 noon nang maging isa siya sa mga nabigyan ng pagkakataon na makapasok sa Pinoy Big Brother house. At mula noon ay talagang napakamahal na siya sa puso ng maraming mga Pilipino.

Ang kaniyang mga magulang ay sina Geo Garcia at Marife Espineli. Mayroon din siyang isang kapatid na babaeng mas matanda lamang sa kaniya ng isang taon.


Siya ay walang iba kundi si Lorenza Mae. Renza kung tawagin siya ng kaniyang pamilya. Minsan na niyang pinaunlakan ang programang “Magandang Buhay” kung saan nagbahagi siya ng ilang mga masasayang alaala nila ni Joshua nang kanilang kabataan.

Masaya sila bilang magkapatid at talagang nagmamahalan. Madalas din daw silang naglalaro ng magkasama at kumakain ng paborito nilang pagkain. “Protective” din daw ang kaniyang kapatid na si Joshua sa kaniya ngunit kapag babae naman daw ang kaniyang kaaway ay hinahayaan siya nito sa paraang gusto niya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Renza kay Joshua dahil sa pagmamahal at pagsuporta nito sa kanilang pamilya lalo na sa kaniyang anak na lalaking si Skyler. “Single mom” si Renza ngunit hindi niya naramdaman na nag-iisa siya dahil sa suporta ni Joshua at ng buo nilang pamilya.

Kapansin-pansin din ang angking kagandahan niya na maaari na ring pumasa bilang isang artista tulad ng kaniyang kapatid. Hindi nga talaga maipagkakailang magkapatid sila.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media