Connect with us

Showbiz

Anak ni Kris Aquino at James Yap na si Bimby, nagsalita patungkol sa espekulasyon kung totoong bakla nga ba siya o hindi!

Published

on

Si James Carlos Aquino Yap Jr. o mas nakilala ng maraming Pilipino bilang si Bimby ay 14 na taong gulang na aktor at TV-media personality. Siya ay anak ng Queen of All Media na si Kris Aquino at ng professional basketball player na si James Yap.

Una na siyang napanuod sa pelikulang “My Little Bossings”. Noon pa man ay marami nang nakakahalata sa kung paano siya magsalita at kumilos ay talagang malate o malamya.

Hindi tulad ng iba pang mga kabataang lalaki na tulad niya rin ng edad. Kamakailan lamang ay binigyang-linaw na ni Bimby ang mga usapin patungkol sa kung ano nga ba talagang ang kaniyang oryentasyon.

Bilang pagdiriwang ng kaniyang ika-14 na taong kaarawan ay nagpaunlak siya ng panayam kasama ang kaniyang ina na si Kris. Sinabi niya n walang masama sa pagiging bahagi ng LGBTQ+ community dahil sa isang matatag na komunidad ang mga ito.

Nang tanungin naman siya kung ano nga ang kaniyang nararamdaman sa tuwing nakakarinig siya ng mga panghuhusga patungkol sa kaniya ang tanging sagot lamang niya ay “Wala, I don’t feel anything.” Dagdag pa niya, iginagalang niya ang opinyon ng kaniyang kapwa at hanggang hindi naman siya sinasaktan o inaatake ng direkta ng kahit sino ay wala naman din siya sa lugar upang magsalita o gumawa ng kahit ano pa mang legal na aksyon.

Suportado naman siya ng kaniyang ina na si Kris. Para kay Kris, ano man ang maging oryentasyon ng kaniyang mga anak ay hindi mababawasan ang pagmamahal niya sa mga ito. Mas susuportahan at mas mamahalin pa niya ang mga ito dahil sa naging tapat at totoo sila sa kaniya at lalo na sa kanilang mga sarili.

Ngunit muli, para kay Bimby ay isa siyang “straight” at talagang gusto niya ang mga kababaihan.

“So, parang like, it did not go through my mind, like, ‘cause I know what I am. I’m straight. I’m straight as an arrow.” Matapang na pahayag ni Bimby.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media