Connect with us

Viral

Nobyo, pinalagyan ng pako ang likurang bahagi ng upuan ng kaniyang motorsiklo dahil sa selosa niyang nobya!

Published

on

Sabi nila, wala raw tatalo sa “woman’s instinct”. Kapag kinutuban ang mga babae, tiyak na mangyayari ang kinatatakutan nilang ito. Maraming mga kababaihan ang makapagpapatunay nito dahil marahil ay naranasan na rin nila ito sa tunay na buhay.

Photo credit: Khoirul Anam / Facebook

Ngunit hindi pala sa lahat ng pagkakataon ay dapat tayong maging sobrang mapagduda sa mga taong minamahal natin. Tulad na lamang sa nangyari sa nobyang ito na labis na nagduda at naghinala sa kaniyang nobyo.

Photo credit: Khoirul Anam / Facebook

Kamakailan lamang ay ikinagulat ng marami ang pinalagay na pako ng binatang ito sa likurang bahagi ng kaniyang motorsiklo. Palagi na raw kasi nilang pinagtatalunan na baka raw marami nang inaangkas na babae ang kaniyang nobyo sa motor nito kung kaya naman napagdesisyunan na nga ni Khoirul Anam na palagyan ng matutulis na mga pako ang mismong upuan ng kaniyang motor.

Photo credit: Khoirul Anam / Facebook

Nag-viral ang post na ibinahagi ni Khoirul na mula pa pala sa Magelang, Indonesia. Para sa nobya niyang si Intan Shinta kung kaya naman ginawa niya ito sa kaniyang sasakyan.

Bilang patunay na totoong mga pako ang nasa kaniyang motor ay mayroon pa siyang kuhang larawan nito na mayroong nakatusok na malaking bunga ng bayabas. Talaga namang masayang masaya si Intan dahil sa makasisigurado na siyang wala talagang ibang maiaangkas ang kaniyang kasintahan sa motor nito.

Ngunit, ang hindi niya alam ay napakahirap pala ng magiging sitwasyon niya lalo na kung kailangan niyang sumakay sa motor ng kaniyang kasintahan. Sa halip na komportable siyang makakaupo sa harap o sa bandang likuran ng nobyo ay nagtitiis siya sa napakakitid na espasyo sa harapan ng nito habang nagmamaneho.

Photo credit: Khoirul Anam / Facebook

“That’s why if you’re a girl don’t be possessive Intan Shinta. My bike seat doesn’t modify itself if you want to go…” Pahayag ni Khoirul sa kaniyang viral na post sa social media.

Hindi natin dapat kalimutan na ang pagtitiwala ay pagpapakita rin ng ating wagas na pagmamahal sa ating minamahal.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media