Connect with us

Viral

Mga Asyano, sumagot sa komento ng isang British Etiquette Expert na hindi dapat kinakain ang kanin gamit ang kamay!

Published

on

Bigas ang isa sa pangunahing pagkain ng maraming mga Asyano. Kanin sa almusal, tanghalian, hapunan at kahit pa nga sa meryenda. Tila ba hindi kumpleto ang ating araw kung hindi tayo kakain ng kanin.

Nakakalungkot lamang isipin na mayroong isang Briton na Etiquette Expert ang nagkomento patungkol sa pagkakamay ng maraming mga Asyano sa pagkain ng kanin.

“Ladies and gentlemen, remember we always use a knife and fork or chopsticks to eat rice! We do not use our hands or fingers!!” Pahayag ng “The Royal Butler” sa kaniyang Tweet na kaagad namang umani ng higit sa 4,000 na mga komento.

Mga mga nagkomento na maaaring hindi talaga patungkol sa mga Asyano ang post niyang ito kundi para sa mga Briton talaga. Hindi pa rin tama na mag-post siya ng ganitong pahayag sa social media dahil makikita at mababasa pa rin ito ng maraming mga Asyano sa buong mundo at tiyak na hindi rin magiging maganda ang dating nito sa kanila.


“Says the people who don’t was their butt with water and step into their house with shoes on (which has already been contaminated by God knows what). At least I know where my hand touched. Do you know how they clean the cutleries and what mouths have touched those cutleries?” Komento ng isang Asian netizen.

“Colonisers shouldn’t be dictating how to eat rice when the varietals you colonizers eat were domesticated from Asia and Africa so you should learn how we do it. We, Koreans, eat rice with spoons and with hands (kimbap). The Japanese on the other hand have their onigiri,” Pahayag pa ng isang Korean national.

Tunay nga na pinakamabuting pag-isipan muna natin ang mga bagay na ibabahagi natin sa social media. Dahil kahit hindi man natin gusto ang makasakit o makatapak ng tao ay tiyak na mayroon at mayroon pa rin tayong masasaktan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media