Connect with us

Viral

Lolo na 93 taong gulang na, nagagawa pang tulungan ang kaniyang mga apo sa kanilang leksyon gamit lamang ang “magnifying glass”!

Published

on

Tayong mga Pilipino ay kilala ng mga banyaga sa pagkakaroon ng kultura ng “extended families”. Kung sa maraming mga bansa ay talagang humihiwalay at nagsosolo na ang mga anak kapag sumapit na sila sa takdang edad, para sa maraming mga Pilipino iba pa rin talaga kung sama-samang lumalaki at dumarami ang isang pamilya.

Photo credit: DepEd Tayo Soccsksargen

Mayroong lolo, lola, tito, tita at mga pamangkin sa ganitong klase ng mga pamilya. Bagamat mayroon mga hindi magandang epekto ang ganito ay marami pa rin naman itong mabuting naidudulot.

Halimbawa na lamang ang pagiging malapit ng mga lolo at lola sa kanilang mga apo. Isang napakagandang halimbawa ang 93 taong gulang na lolong ito mula sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Photo credit: DepEd Tayo Soccsksargen

Maaaring masyado na siyang matanda para sa iilan ngunit hindi naging hadlang ang kaniyang edad upang tulungan niya ang kaniyang mga apo sa kanilang mga aralin. Dahil sa medyo malabo na ang kaniyang mga mata ay gumagamit na lamang siya ng isang “magnifying glass” upang mabasa ang mga modules at worksheets ng kaniyang mga apo.

Siya ay walang iba kundi si Lolo Bonifacio “Boning” Gedaya Santolaja, Sr. Siya ay isang volunteer treasurer sa Office of Senior Citizen (OSCA) sa Tacurong City.

Photo credit: DepEd Tayo Soccsksargen

Kahit pa walang sweldo ay buong-puso pa rin niyang ginagawa ang kaniyang trabaho. Hindi nakapagtapos ng kolehiyo si Lolo Boning ngunit nagawa niyang mapagtapos ng pag-aaral ang lahat ng kaniyang mga anak.

Noong nag-aaral pa raw siya sa kolehiyo ay talagang hilig na niya ang mga “Accounting Subjects” na kadalasang kinatatakutan ng maraming mga kabataan. BS Accountancy ang kinuha niyang kurso noon.

Photo credit: DepEd Tayo Soccsksargen

Hindi man siya nakapagtapos ng kursong ito ay nagkaroon pa rin naman siya ng pagkakataon na maging cashier sa isa sa pinakamalaking kooperatiba sa kanilang rehiyon. Hindi na nakapagtataka na mahal na mahal siya ng kaniyang mga apo at ng buo niyang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media