Connect with us

Viral

Larawan ni Annie ng Shaider noon at ngayong 57 taong gulang na siya, umani ng maraming mga komento at reaksyon!

Published

on

Madalas nating balikan ang mga masasayang alaala natin lalo na noong ating kabataan. Marami sa atin ang nasanayan na manuod lamang ng mga programa sa telebisyon at makinig ng mga balita sa radyo.

Sa ngayon kasi ay marami nang mga alternatibong paraan upang malaman natin ang mga bagong balita sa loob at labas ng bansa. Mayroon na tayong mga gadget, internet connection at mga social media platforms.

Noon ay nagmamadali pa tayong umuwi galing sa eskwela upang maabutan natin ang mga inaabangan nating palabas sa telebisyon. Tulad na lamang halimbawa ng “Space Sheriff Shaider” o mas tumatak sa ating mga isipan bilang “Shaider: Pulis Pangkalawakan”.

Umere ang programang ito sa telebisyon noong Marso 2, 1984 hanggang Marso 8, 1985. Maraming mga kabataang Pilipino ang talagang bumilib at namangha sa palabas na ito.

Kamakailan lamang ay naitampok sa Facebook Page na “Batang Pinoy – Ngayon at Noon” ang larawan ng isa sa mga casts nito. Si Annie, batang bata pa siya noon.

Sa isang larawan pa ay makikita ang larawan ng 57 taong gulang na si Naomi Morinaga. Siya ay mula sa Kanagawa Prefecture sa Japan.

Taong 1981 hanggang 2014 siya naging aktibo sa industriya. Maraming mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga opinyon at reaksyon sa naturang post.

Ilan sa kanila ay nagkomento rin patungkol sa naging karanasan nila nang kanilang kabataan habang pinapanuod nila ang programang ito. Kaniya-kaniya rin sila ng pagbabahagi ng mga larawan ng kanilang iniidolong si Annie.

Tunay nga na ilang dekada na rin ang nakararaan mula nang masilayan natin ang husay niya sa pag-arte. Hanggang sa ngayon ay mababanaag pa rin ang kaniyang kagandahan mula nang gumanap siya bilang si Annie.

Marami sa kaniyang mga tagahanga ang nagnanais na mapanuod pa siya sa ilang mga programa at pelikula kahit na higit sa 50 na ang kaniyang edad.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media