Connect with us

Viral

Kostumer na nagbigay ng $250 na tip o halos nasa Php12,000 sa isang delivery rider, humiling na sana ay ipanalangin siya nitong magkaroon na siya ng anak!

Published

on

Marami ang nagulat nang ibahagi sa publiko ang naging karanasan ng isang delivery rider na ito sa isa sa kaniyang mga naging kostumer. Nakatanggap lang naman kasi siya ng malaking tip na nagkakahalaga ng RM1,000 ($250 or Php12,150).

Photo credit: Muhammad Faris Faizul

Ang kaniyang kostumer ay isang babae na ang tanging hiling lamang ay ipanalangin siya na magkaroon na siya ng anak. Napakalaking tip na nito kung tutuusin kung kaya naman tuwang-tuwa rin ang delivery rider na makatanggap ng ganitong halaga.

Ang kwentong ito ay ibinahagi rin sa Facebook page para sa mga “FoodPanda riders” sa Malaysia. Ang naturang rider ay walang iba kundi si Muhammad Faris Faizul mula sa Ampang, Kuala Lumpur sa Malaysia.

Photo credit: Muhammad Faris Faizul

Tipikal na kostumer lamang ang babaeng ito at bilang pag-iingat ay hindi ito lumabas upang kuhanin ang kaniyang ipinadeliver sa rider. Inutusan lamang niyang iwanan ito ng rider sa mesa sa labas ng kaniyang bahay. Ito ang mensahe sa kaniya ng kaniyang kostumer:

“Brother, just come in through the gate later when you arrive and leave the meal on the white table. And then, lift up the plate that’s on the white table, there’s an envelope, do take it. Thank you,” Pahayag ng babaeng umorder.

Sinunod niyang mabuti ang bilin ng kaniyang kostumer ngunit nang makita niya ang laman ng envelope na malaking tip ay talaga namang nagulat siya. Nagmensahe pa siya sa babae upang magpasalamat.

Photo credit: Muhammad Faris Faizul

Ang tanging hiling lamang daw ng babae ay ang ipanalangin siya nito upang magkaroon na siya ng anak sa lalong madaling panahon.

“Yes, brother. It is your rezeki. Pray for me to get a child and share it (the tip) with your friends, okay? Tell them to pray for me so that I can conceive a child quickly,” Pahayag ng babae.

Masayang masaya si Faizul sa natanggap niyang tip ngunit nalungkot din siya para sa babae dahil sa ramdam niyang gustong-gusto na talaga nitong maging isang ina.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media