Connect with us

Viral

Good Samaritans, binasag ang bintana ng isang sasakyan upang mailigtas ang mga kawawang batang nasa loob nito!

Published

on

Madalas nating marinig ang mga balita patungkol sa mga taong naiiwanan sa loob ng isang sasakyan. Maaaring matanda, bata o di kaya naman ay mayroong kapansanan.

Photo credit: Philippines CCTV & DASH CAM Spotted

Nakakalungkot lamang isipin dahil sa hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natatakot at nadadala ang iilan dahil sa paulit-ulit na lang din itong nangyayari. Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang video na ito mula sa Facebook Page na Philippines CCTV and DASH CAM.

Photo credit: Philippines CCTV & DASH CAM Spotted

May ilang mga traffic enforcers, mga siklista at iba pang mga taong nakapansin sa isang nakaparadang sasakyan sa tapat ng isang establisyemento. Mayroon silang natanaw na dalawang mga bata.

Photo credit: Philippines CCTV & DASH CAM Spotted

Pilit nilang hinanap ang mga magulang ng mga batang ito ngunit hindi sila mamataan ng mga oras na iyon. Ayon sa ilang mga pag-aaral, mas umiinit ang mga katawan ng mga bata ng 5 beses na mas mabilis kumpara sa katawan ng mga matatanda.

Photo credit: Philippines CCTV & DASH CAM Spotted

Dahil dito ay nagtulong-tulong silang mabuksan ang sasakyan, kinailangan din nilang basagin na ang bintana nito ng tuluyan upang maisalba pa ang buhay ng dalawang mga bata. Pilit nilang binuksan ang bintana sa bandang “driver’s seat” at mula roon ay nabuksan na nila ang “central lock”.

Agad naman nilang tiningnan ang kalagayan ng mga bata. Dinala nila ang mga ito sa ligtas at mas malamig na lugar.

Pinainom din nila ng tubig ang mga bata at nilagyan ng “tissue paper” ang kanilang likuran dahil sa basang-basa na rin ito ng pawis. Napanatag na ang kalooban ng marami nang makitang nasa mabuti nang kalagayan ang dalawang mga bata.

Photo credit: Philippines CCTV & DASH CAM Spotted

Buti na lamang at kaagad silang natulungan ng mga good Samaritans na ito. Kung hindi dahil sa kanila ay tiyak na napahamak na ang mga batang ito.

Maraming mga netizens ang hindi na napigilan pang magalit sa mga magulang ng mga batang ito dahil sa kanilang kapabayaan na maaaring naging dahilan upang mapahamak ang mga batang ito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media