Connect with us

Showbiz

Farm ni Bea Alonzo sa Zambales, ibinahagi niya sa kaniyang latest vlog at talaga namang namangha ang marami sa pambihirang lawak at ganda nito!

Published

on

Si Phylbert Angellie Ranollo Fagestrom o mas hinangaan natin bilang si Bea Alonzo ay 33 taong gulang na aktres at modelo. Isa rin siya sa pinakasinusubaybayang vlogger sa bansa.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube

Kamakailan lamang ay itinampok niya sa kaniyang latest vlog ang napakalawak at napakaganda niyang farm sa Zambales. Ayon sa aktres ay taong 2011 nang tinulungan sila ng aktres na si Isabel Rivas upang mabili ang farm na ito.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube

Isang raw kasi itong magandang investment. Noong una ay nagdadalawang-isip pa si Bea kung kaya ba nilang magkaroon ng isang farm sa probinsiya.

Ngunit kalaunan ay binili na rin niya ito. Ang kaniyang ina ang talagang hands-on sa pagpapaganda ng kanilang farm.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube

Sa ngayon ay pinagbigyan ni Bea ang kaniyang mga tagahanga na masilip ang isa sa kaniyang mga investment. Ang farm nilang ito ay tinawag ni Bea na “Beati Firma” na hango rin sa kaniyang pangalan na ang ibig sabihin ay “Blessed Farm”.

Kasalukuyang naninirahan ang kaniyang ina, step dad at kuya sa farm nilang ito. Napakaaliwalas at napakalinis nito, talagang makikita na maayos ang pangangalaga sa kanilang farm.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube

Mayroon din silang 5,000 na mga puno ng Mahogany ngunit nabuwal ang isa nang manalanta ang Bagyong Ulysses sa Zambales noon. Isang magandang investment din daw ang 8 taong gulang na mga punong ito dahil sa maraming mga manufacturer at furniture shops ang bibili nito sa hinaharap.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube

Marami din silang mga alagang hayop tulad na lamang ng baka, tupa, baboy, bibe, at marami pang iba. Nagre-rescue din ng aso ang kaniyang ina kung kaya naman may mga alaga rin silang aso.

Walang tapon at walang sayang sa farm na ito nila Bea. Dahil mula sa mga pagkain ng mga hayop, pataba sa mga puno, sa kanilang fish pond, at palayan, lahat ay organic at walang kahit anong kemikal ang kanilang ginagamit.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube

Mayroon din silang mga solar panels, basketball court, at kasalukuyang ginagawa ang magiging bahay ng kanilang mga staff. Talaga namang nakakamangha ang farm na ito nila Bea na “dream farm” din para sa maraming mga Pilipino.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media