Connect with us

Inspiring

Dating kasambahay at kargador sa palengke ngayon ay may-ari na ng isang “multi-million” na kompanya!

Published

on

Lahat naman tayo ay nais na magtagumpay sa buhay. Hindi lamang para sa ating mga sariling pangarap kundi para na rin sa ating mga mahal sa buhay.

Hindi biro ang mga paghihirap, pagsasakripisyo at pagsubok na ating kahaharapin ngunit tiyak na kayang kaya natin itong malagpasan. Napagtagumpayan itong lahat ni Rey Calooy na kung noon ay isang kasambahay at kargador sa palengke, ngayon ay nagmamay-ari na siya ng isang malaking kompanya na milyon-milyon na ang kinikita.

Photo credit: RNC Marketing

Siya ay isinilang sa Leyte. Mahirap ang kanilang buhay kung kaya naman sumubok siyang magtrabaho bilang isang kasambahay sa Cebu City.

Kalaunan ay nagtrabaho naman siya bilang isang kargador sa palengke. Dahil sa hindi siya sumuko sa buhay ay inani na niya ngayon ang bunga ng kaniyang pagpapagal.

Sa kabila ng hirap ng buhay niya noon ay nagsumikap pa rin siyang makapagtapos sa kolehiyo. Pinayuhan siya ng kaniyang amo na kumuha ng kursong BS Accountancy dahil hindi raw mauubusan ng trabaho rito.

Photo credit: RNC Marketing

Maraming mga kompanya ang mangangailangan ng mga katulad niya. Napag-aral niya ang kaniyang sarili habang nag-iipon at nagsisimula siya para sa kaniyang negosyo.

Taong 1994 ay simulan na niya ang RNC Marketing, ito ay isang micro-packaging company na nakilala sa mga naka-repack na asukal, kape, creamer, mantika at marami pang iba. Paglipas ng panahon ay naging kliyente na rin nila ang mga kilalang resort, restaurant at iba pang mga establisyemento.

Photo credit: RNC Marketing

Nang tanungin si Rey kung bakit ito ang naisipan niyang gawing negosyo kahit pa “small time” lang itong maituturing ay sinabi niyang walang kompetisyon rito. Sa ngayon ay mabibili na rin sa ilang mga lokal na supermarket at grocery stores ang kanilang mga de kalidad na produkto.

Talaga namang nakakamangha ang tagumpay na ito ni Rey. Hindi niya hinayaang igapos siya ng kahirapan at pigilan siya nito sa napakaraming magagandang bagay na kaya niyang magawa.

Photo credit: RNC Marketing

Sa ngayon ay marami na rin siyang natutulungan na mga empleyado at mga negosyong tulad niya ay nagsimula rin sa maliit.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media