Connect with us

Showbiz

Batikang komedyante na si Red Ford White, inalala ng kaniyang mga tagahanga sa mga larawan niyang ito na ibinahagi ng isang netizen!

Published

on

Kapag sinabing Pilipino, tiyak na hinding-hindi mawawala ang pagiging masayahin at palakaibigan. Tila na idinisenyo tayo ng Diyos upang maging matatag at positibo sa maraming mga bagay kahit pa nga napakarami na nating pagsubok na kinakaharap.

Dahil sa natural na lamang sa ating mga Pilipino ang maging masayahin, hindi na rin nakapagtataka na maraming mga batikang komedyante, babae man o lalaki, ang talagang hinahangaan ng publiko. Isa na sa mga ito si Red Ford White o si Cipriano “Doy” Cermeño II sa tunay na buhay.

Siya ang isa sa pinakamahusay na komedyante ng kaniyang henerasyon. Nakakalungkot lamang na sa edad na 55 taong gulang ay sumakabilang-buhay na siya dahil sa kaniyang malubhang karamdaman sa baga at utak.

Inilihim pa niya ang kaniyang sakit sa malalapit niyang kaibigan. Tulad na lamang nang ginawang paglilihim ng isa pang mahusay na komedyanteng si Babalu na pumanaw naman taong 1998 dahil sa malubhang sakit niya sa atay.

Kamakailan lamang ay muling inalala ng mga tagahanga at tagasuporta ni Red Ford White ang kaniyang naging buhay noong siya ay nabubuhay pa. Sa mga ibinahaging larawan ng netizen na si Marina MJ Smooth ay kapansin-pansin ang madalas na pagtulong ni Red Ford White sa simbahan.

May ilan larawan din siya kasama ang mga madre at talagang nagsisilbi siya sa kanilang simbahan. Maka-Diyos kung ilarawan siya ng mga nakakakilala sa kaniya.

Maliban pa rito ay makikita rin ang simpleng pananamit niya at simpleng buhay sa likuran ng kamera. Kahit pa nga isa siya sa pinakasikat na artista ng kaniyang panahon ay nanatili pa ring nakatapak ang kaniyang mga paa sa lupa.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay mayroon nang higit sa 68,000 na mga reactions at higit sa 69,000 na mga shares ang naturang post. Tunay ngang marami na tayong mga iniidolong personalidad na maagang lumisan sa mundong ito ngunit hindi pa rin mababago ang katotohanan na pumanaw man sila ng maaga ay mananatili pa rin ang ating pagrespeto at paghanga sa kanila.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media