Connect with us

Viral

Babae na mayroong “rare skin condition”, ibinahagi ang kwento ng pag-iibigan nilang mag-asawa na nagsilbing inspirasyon sa publiko!

Published

on

Marami na ang mga taong basta basta na lamang humuhusga sa mga magkasintahang may malaking agwat sa edad, o di kaya naman ay malaking pagkakaiba sa kanilang mga hitsura. Dahil na rin sa social media ay hindi na maiiwasan pa ang mga ganitong panghuhusga mula sa maraming mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang karanasan ni Karine de Souza na mula sa Fortaleza, Brazil at ng kaniyang mister. Sa edad na tatlong taong gulang ay mayroon na siyang “Xeroderma Pigmentosum” na isang “rare skin condition”.

Hinding-hindi siya maaaring ma-expose sa “ultraviolet rays” dahil sa napakataas ng posibilidad na magkaroon siya ng “skin canc3r”. Kulang kasi ang kaniyang katawan sa DNA system na tumutulong sa pagsasaayos ng kaniyang balat.

Ibinahagi niya ang kaniyang kwento sa viral YouTube video na pinamagatang “Born Different”. Ayon sa kaniya, madalas siyang kutyain, husgahan at titigan ng maraming mga tao dahil sa kaniyang panlabas na anyo.

Marami din ang lumalayo at ayaw dumikit sa kaniya dahil sa takot na mahawa ng kaniyang sakit sa balat. Sa kabila ng lahat ng panghuhusga sa kaniya ng mga tao sa kaniyang paligid ay nakilala niya ang kaniyang mister na sa ngayon na si Edmilson taong 2017.

Agad na napamahal siya sa dalaga dahil sa pambihirang kwento nito at sa kaniyang kalakasan bilang isang indibidwal. Buhat ng magsimula silang mag-date ay madalas na silang magbahagi ng kanilang mga larawan online.

Naging tampulan ito ng tukso at marami rin ang nagduda sa pagiging tapat ni Edmilson kay Karine. Sa ngayon ay tatlong taon na silang kasal at hindi nila pinagsisisihan na minahal nila ang isa’t-isa.

Para naman kay Edmilson, nais niyang nasa tabi siya palagi ng kaniyang asawa at plano niya ring makasama ito sa marami pang mga bagay, maulap man o maulan ang panahon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media