Connect with us

Showbiz

Aktor na si Jeric Gonzales, sinabing mas gusto daw niya ang babaeng mas matanda sa kaniya!

Published

on

Si John Eric Salvanera Gonzales o mas nakilala ng publiko bilang si Jeric Gonzales ay 28 taong gulang na aktor mula sa Calamba, Laguna. Una na siyang nasilayan ng publiko sa programa ng GMA network na “Protégé” – isang reality based artista search competition.

Oktubre 2019 nang magsimula ang isa sa kaniyang mga proyekto sa GMA na pinamagatang “Magkaagaw” kasama sina Sunshine Dizon, Sheryl Cruz, at Klea Pineda. Naging mainit na usapin ang pagiging malapit ni Jeric at ng kaniyang co-star na si Sheryl Cruz.

Nang minsang maimbitahan ang aktor sa programang “The Boobay and Tekla Show”, naitanong sa kaniya kung gusto ba niya ang mas matanda o bata sa kaniya kung sakaling magkakaroon siya ng kasintahan. Agad naman niya itong sinagot na mas gusto niya ang mas matanda sa kaniya dahil sa mas may experience ang mga babaeng may edad na kaysa sa kaniyang mga ka-edad.
Mas marami din daw siyang matututunan sa mga ito kung sakaling magkakaroon siya ng may edad na nobya. Umamin din siyang “very close” sila ni Sheryl ngayon kumpara sa dati.

Dagdag pa ng aktor, kung ano man daw ang nabuong espesyal na pagkakaibigan nilang dalawa dahil sa serye na kanilang ginagawa ay sa kanila na lamang iyon. Tinanong din si Jeric kung sa tingin niya ay siya na nga ang “dream boy” ni Sheryl, agad siyang sumagot at sinabing “”Sa tingin ko ako na.”

Maraming mga netizens ang talagang nag-aabang ng kanilang kumpirmasyon tungkol sa tunay nilang relasyon. Sa ngayon ay mas tutok ang maraming mga tagasubaybay nila sa magiging pagtatapos ng teleseryeng ito.

Makalipas kaya ng proyekto nilang ito ay aaminin na sila kung totoo nga na nagkakamabutihan na silang dalawa o ang lahat ng ito ay para lamang sa pagpo-promote ng kanilang programa sa telebisyon? Tiyak na paka-aabangan ito ng maraming mga tagahanga nila.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media