Connect with us

Viral

Pulis humingi ng tulong sa kaniyang misis matapos siyang ireklamo ng kaniyang nabuntis na babae sa programa ni Raffy Tulfo!

Published

on

Marami ang nagalit sa pulis na si P/Cpl Christian Peter Garino na nakatalaga sa Quezon City Police Department (QCPD) Station 7 nang mag-viral ang kwento nila ng babaeng kaniyang nakarelasyon kahit pa nga siya ay mayroon nang asawa. Ang matindi pa dito ay ipinagtanggol pa siya ng kaniyang misis kahit pa nga hindi katanggap-tanggap ang naging kasalanan niyang ito.

Photo credit: Raffy Tulfo in Action / YouTube

Dumulog sa tanggapan ng “Raffy Tulfo in Action” si Yvonne Sandoval dahil sa pagnanais nitong masustentuhan din ni Peter ang kanilang magiging anak. Dipensa din ng babae ay hindi ipinaalam sa kaniya nito na mayroon na pala siyang asawa bago pa man siya nito ligawan.

Photo credit: Raffy Tulfo in Action / YouTube

Hindi naman inako ng pulis ang ipinagbubuntis ni Yvonne dahil sa diumano ay dalawang beses lamang sila nagkita nito buwan ng Hulyo at Abril na kaagad ang buwan ng kaniyang kapanganakan. Nang malaman niyang nabuntis siya ni Peter ay dito lamang siya umamin na siya nga ay hindi na binata pa.

Agad agad din naman daw siyang nakipaghiwalay nang malaman niyang may asawa na pala ang kaniyang nobyo. Ayon sa naging pahayag ni Yvonne, tatlong beses lamang siya binigyan ng pera ni Peter at ngayon ay mas kailangan niya ang pinansyal na suporta nito para sa kaniyang mga gamot.

Photo credit: Raffy Tulfo in Action / YouTube

Sa naging pahayag naman ni Peter sa programa ay inamin nitong nagsinungaling nga siya sa pagiging isang pamilyadong tao niya. Dahil sa hindi magkasundo ang dalawang panig ay napagpasyahan ng host ng programa na si Raffy Tulfo na bayaran ang magiging DNA test ng sanggol na ipinagbubuntis ni Yvonne.

Photo credit: Raffy Tulfo in Action / YouTube

Pinayuhan din ng batikang mamamahayag na suportahan ng ni Peter si Yvonne sa lahat ng pangangailangan nito at kung mapapatunayan sa “paternity test” na hindi nga anak ng pulis ang sanggol ay babayaran lahat ni Yvonne ang ginastos ni Peter. Napukaw din ang atensyon ng publiko nang ipakilala ang misis ng pulis na si Zel sa programang ito ngunit tila ba kalmado lamang ito at walang anumang galit na nararamdaman sa kaniyang asawang nagtaksil sa kaniya.

Hindi ipinakita ang mukha ni Zel para na rin sa kaniyang siguridad.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media