Connect with us

Viral

Misis niregaluhan ang kaniyang mister ng mga larawan ng mga magagandang babae na madalas nitong nila-Like sa Instagram!

Published

on

Sa Pilipinas, hinding-hindi mawawala sa atin ang masayang pagdiriwang ng maraming mga okasyon. Hindi lamang kasal, binyag, kaarawan, “Mother’s Day”, “Father’s Day”, Pasko at Bagong Taon ang madalas nating ipagdiwang, maging ang Araw ng mga Puso o ang “Valentine’s Day” na tuwing ika-14 na araw ng Pebrero kung ipagdiwang ay talagang patok na patok din sa mga Pilipino.

Ilan na nga sa mga mabibiling produkto sa panahong ito ay mga tsokolate, bulaklak, teddy bear, at marami pang iba. Hindi rin magpapahuli ang mga magkakasintahan o di kaya naman y mag-asawa upang sorpresahin ang isa’t-isa sa araw na ito.


Kung marami sa atin ang nakatanggap ng mga bulaklak at tsokolate, ang isang misis na ito ay nakaisip ng napakagandang ideya sa kung anong regalo ang dapat niyang ibigay sa kaniyang mister.

Dahil sa napansin niyang madalas mag-Like ang kaniyang asawa sa mga magaganda at sexy na larawan ng ilang babae sa Instagram ay naisip niyang mag-print out ng kanilang mga larawan, gupitin ito, inilagay niya sa ilang BBQ sticks at siyanga niyang ginawa na espesyal na regalo para sa kaniyang mister.

“The Queen of Petty” kung bansagan ngayon ang TikTok user na si “@gr93la” dahil sa kaniyang napakawais na ideya. Samantala, hindi naman magkamayaw ang mga netizens sa kanilang nakita.

Maraming nais na gumawa sa kaniyang ideya dahil sa ang kanilang mga nobyo at mister daw ay mahilig din mag-Like o mag-Heart ng mga larawan ng mga sexy na babae online. Tunay nga na maaaring ikagulat ito ng kaniyang mister ngunit kung tutuusin ay talagang pinag-isipan niya ng husto kung ano nga ba talaga ang magugustuhan ng kaniyang asawa.

“It’s the thought that counts”, wika nga sa isang Ingles na kasabihan. Sa panahon ngayon na napakadali na lamang gawin at bilhin ng maraming mga bagay nakakatuwa pa ring malaman na mayroon pa rin palang mga tao na talagang pinag-iisipan ng mabuti ang kanilang bawat desisyon mayroon man itong maliit o malaking epekto sa kanila .


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media