Connect with us

Viral

Mag-asawa hinangaan ng publiko dahil sa nakakabilib na kwento ng kaniyang pag-iipon kahit pa nawalan siya ng trabaho dahil sa pandemya!

Published

on

Ginulantang tayo ng isang mapanganib at nakakahawang karamdaman mula sa Tsina noong Marso 2020 at talagang namang hindi tayo naging handa sa maraming mga bagay. Kinailangang magsara ng maraming mga negosyo at establisyemento sa buong bansa. Maging ang kasulok-sulukan ng ating bayan at ang pinakamalayong kabihasnan ay hindi nakalampas sa nakakatakot na pangyayaring ito.

Photo credit: Karen Denise Reyes Crisostomo / CFO Peso Sense – Facebook

Dahil sa maraming naapektuhan na mga negosyo ay marami ding mga manggagawa ang nawalan ng trabaho. Hindi man kagustuhan ng ilang mga kompanya ngunit wala silang ibang magagawa kundi magbawas ng kanilang mga tao o di kaya naman ay tuluyan nang isara ng kanilang mga kompanya.

Buti na lamang at sa kabila ng mga pagsubok na ito ay nananatili pa ring matatag at positibo ang maraming mga Pilipino. Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Karen Denise Reyes Crisostomo ang naging kwento nilang mag-asawa sa financial literacy page na CFO Peso Sense.

Photo credit: Karen Denise Reyes Crisostomo / CFO Peso Sense – Facebook

Ayon sa kaniyang naging pagkukwento ay nawalan siya ng trabaho sa isang salon nangmagsimula ang COVID-19 pandemic. Ngunit sa kabila ng pagsubok na ito ay nagawa pa rin niyang makabangon katuwang ang kaniyang mister.

Mahirap man ay napagdesisyunan nilang mag-asawa na humanap ng mapagkakakitaan. Bumili sila ng iba’t-ibang mga bagay na maaari nilang ibenta upang kahit papaano ay mayroon silang kitain at ipangsuporta sa kanilang pamilya.

Photo credit: Karen Denise Reyes Crisostomo / CFO Peso Sense – Facebook

Laking pasasalamat din ng mag-asawa na sa kabila ng pandemyang patuloy na nararanasan ng buong mundo ay marami pa rin silang natatanggap na mga biyaya. Nagawa rin nilang makapag-ipon ng sapat na salapi upang magamit sa kanilang pinaplano ngayong taong 2021.

Dagdag pa niya ay hindi niya nais magyabang ngunit nais lamang niyang maging inspirasyon sa mas maraming mga tao na nangangailangan nito lalo na sa panahong nararanasan natin sa ngayon. Kung magagawa lamang natin ang magtiwala sa Diyos ay tiyak na walang magiging mahirap o imposible sa ating mga pinapangarap sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media