Connect with us

Showbiz

Kiray Celis nagbigay ng isang malaking “money bouquet” sa kaniyang mga magulang para sa Valentine’s Day!

Published

on

Si Johanna Ismael Celis o mas hinangaan natin bilang si Kiray ay 26 taong gulang na aktres, komedyante at founder ng “Chicks and Fins”. Sa edad na apat na taong gulang ay napanuod na siya sa “Muntíng Miss U” ng “MTB”.

Photo credit: Kiray instagram

Marami ang natuwa sa kaniyang kakulitan at pagiging bibo kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na mapabilang siya sa naturang programa kahit sa murang edad niya. Taong 2005 naman ay naging bahagi na siya ng sikat na Kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”.

Photo credit: Kiray instagram

Apat ang nakalipas at tuluyan na nga niyang iniwanan ang programang ito. Nagtagal din siya ng 19 na taon sa ABS-CBN bago pa man siya lumipat sa GMA network taong 2018.

Lingid sa ating kaalaman, hindi lamang pala siya isang masayahin at mahusay na artista dahil isa rin siyang mapagmahal at responsableng anak. Kamakailan lamang, bago pa man sumapit ang Araw ng mga Puso ay binigyan na niya ng kakaibang regalo ang kaniyang mga magulang.

Photo credit: Kiray instagram

Sa Instagram post ni Kiray ay makikitang mayroong hawak na malalaking bouquet ang kaniyang mga magulang. Hindi bulaklak o tsokolate ang laman nito kundi maraming pera.
“Happy happy Valentine’s day, Mama and papa. Hindi man ako perpektong anak, pero ibibigay ko lahat ng kaya ko, guminhawa lang ang buhay niyo.” Pahayag ni Kiray.

“Salamat sa walang sawang suporta, pagmamahal at pagiintindi sakin. Mahal na mahal ko kayo. Next time, tig 1k nayan lahat. Pagpasensyahan niyo na? Yan lang nakayanan ko.” Dagdag pa niya.

Photo credit: Kiray instagram

Marami naman sa kaniyang mga tagahanga ang bumilib kay Kiray dahil sa kabila ng mahirap na sitwasyon ngayon ng maraming mga artista dahil sa pandemya ay hindi pa rin niya nakakalimutang iparamdam sa kaniyang mga magulang at sa kaniyang pamilya kung gaano niya sila kamahal. Maliban sa pagkakaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya ay mayroon na din siyang napakatamis na buhay pag-ibig na natagpuan niya sa kaniyang non-showbiz boyfriend.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media