Connect with us

Showbiz

Katrina Halili, seksi at blooming pa din kahit halos walong taon na siyang single!

Published

on

Si Katrina Halili ay 35 taong gulang na aktres, commercial model at businesswoman. Lingid sa kaalaman ng marami na mayroon din siyang dugong Chinese. Isa siya sa mga naging Avengers noon ng reality talent competition na “Starstruck”.

Nakasabay pa niya noon sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Sheena Halili, Cristine Reyes at marami pang iba. Hindi man siya nagwagi sa naturang kompetisyon ay napakaganda naman ng takbo ng karera niya sa ngayon.

Isa siya sa pinakamahuhusay na aktres ng GMA network. Hindi lamang siya magaling umarte bilang isang bida na inaapi-api lamang ng kontrabida ngunit isa rin talaga siyang mahusay na kontrabida.


Sa katunayan ay hinangaan ng marami ang kaniyang pagganap bilang kontrabida sa mga teleseryeng “MariMar”, “Darna” at “Majika”. Hindi lamang siya isang de kalibreng aktres dahil sa nabansagan din siya bilang FHM Philippine Sexiest Woman noong taoang 2006 at 2007.

Humarap man siya sa matinding pagsubok noon ay talagang tinulungan siya ng kaniyang home network at ng mga taong naniniwala sa kaniya na makabangon muli. Naging masaya din ang relasyon nila noon ng singer na si Kris Lawrence.

Nabiyayaan sila ng isang anak na babae na pinangalanan nilang Katrence Lawrence Halili Cadevida. Si Katie ay walong taong gulang na at kahit pa hiwalay na ang kaniyang mga magulang ay nananatili pa rin silang nakasuporta sa kaniya.

Sa walong taong lumipas ay nanatili pa ring single si Katrina na ang gusto lamang daw ay mag-focus sa kaniyang anak na si Katie at sa kaniyang karera. Tunay nga na hindi malaking bagay o nakakalungkot na usapin para sa kaniya ang pagiging single o ang pagiging isang single mom.

Batid niyang balang araw ay makikilala din niya ang taong magmamahal sa kaniya ng wagas at tatanggap sa kaniya ng buong buo pati na rin sa kaniyang panganay na si Katie.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media