Connect with us

Viral

Isang website ang naghahanap ng taong maaari nilang bayaran para lamang matulog sa halagang $2,000!

Published

on

Isa ka rin ba sa mga kabataang tumatakas sa ating mga nanay noon dahil sa ayaw nating matulog ng hapon? Lingid sa ating kaalaman ay labis pala natin itong kakailanganin sa oras na mag-aral at magtrabaho na tayo.

Habang tumatanda kasi tayo ay nawawalan na tayo ng sapat na oras upang makatulog. Dahil sa dami ng mga proyekto at leksyon sa paaralan o di kaya naman ay sa mga “deadlines” na kailangang matapos sa trabaho, talagang papangarapin mo na lang ang makatulog ng kumpletong walong oras sa isa araw.

Kung kaya naman hindi na nakapagtatakang mapukaw ang atensyon ng publiko sa balitang ito patungkol sa isang website na naghahanap ng taong maaari nilang bayaran upang matulog! Sa pagtulog na ito ay makatatanggap ka ng halagang $2,000.

Napakadaling trabaho hindi ba? Ayon sa naging report ng “PhilStar Life”, handang magbayad ang “Sleepstandards.com” ng halagang nabanggit para sa taong mapipili sa posisyong ito.
Ang website na ito ang nagbibigay ng impormasyon ukol sa mga sleep quality products at maging ang mga pag-aaral dito.

Ang kailangan lamang niyang gawin ay matulog sa limang magkakaibang lugar. Isa na rito ang matulog sa using 5-star resort.

“The chosen candidate will spend five nights sleeping in different environments set up by our team including one night in a luxury 5-star resort,” Ayon sa naturang post.

Kakailanganin din ng taong mapipili na gumawa ng report patungkol sa naging karanasan niya sa bawat lugar na kaniyang tinulugan. Pag-aaralan kasi ng mga “researchers” ang report na ito na mayroong ratings na mula 1 hanggang 10.

Ang mga nagnanais lumahok dito ay maaaring magpasa ng isang headshot ay 60 segundo o isang minutong introduction video. Sa naturang video ay ipapahayag nila kung bakit nila gusto ang trabahong ito. Ang aplikasyon na ito ay tatagal lamang hanggang ika-31 araw ng Marso.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media