Connect with us

Viral

Isang sikat na TikTokerist at doktor nagbahagi ng ilang tips kung ano nga ba ang mga hindi dapat sabihin sa taong depressed!

Published

on

Marami sa atin ang mas nagbibigay na ngayon ng importansiya pagdating sa kanilang pisikal na kalusugan dahil na rin sa pandemyang nararanasan natin sa ngayon. Hindi lamang tamang ehersisyo kundi maging wastong pagkain o diyeta ay kanila na ring ginagawa.

Ngunit tila nakaligtaan din ng marami sa atin na dapat din nating bigyan ng halaga ang kalusugan ng ating isipan. Hindi na mabilang ang mga taong nakakaranas ngayon ng depresyon hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa iba pang bansa sa buong mundo.

Kung mayroong iilan na nakakaranas ng labis na kalungkutan at madalas ay wala na rin silang ganang kumain o di kaya naman ay magtrabaho, marami din naman talaga ang nagagawang kitilin ang sarili nilang mga buhay upang matapos na ang kanilang dinaranas na paghihirap. Ngunit hindi ito kailanman magiging tama lalo na sa paningin ng Diyos.
Kung kaya naman dapat din nating matutunan ang mga bagay o mga salitang sasabihin natin sa mga taong nakakaranas ng depresyon. Ayon sa sikat na doktor at Tiktokerist na nakilala bilang si Dr. Kilimanguru, ito ang mga salitang hindi natin dapat sabihin sa kanila:

“Wala ka namang rason para ma-depress. May iba nga diyan na walang-wala sa buhay, hindi naman nade-depress.” Pahayag ng doktor.

Inihalintulad niya rin ang gawa na ito sa isang taong mayroong allergy sa manok. Hindi naman daw maaaring sabihin na hindi siya dapat magkaroon ng ganitong allergy dahil sa hindi naman ito napipili at di rin naman ginugusto ng isang tao na sila ay magkaroon ng allergy o di kaya naman ay makaramdam ng depresyon.

Umani naman ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang viral video na ito. Ilang mga netizens pa nga ang nagkomento na maging sila ay talagang nakakaranas din nito. Pinipilit na lamang nilang maging maayos ang lahat dahil sa hindi rin naman talaga nabibigyang atensyon ang kanilang pinagdaraanan.

@dockilimanguruMental health matters. 😌 #LearnOnTikTok #TiktokSkwela

♬ original sound – Dr. Kilimanguru

Dahil na rin sa viral TikTok video na ito ay mas marami pang mga Pilipino ang namulat at tiyak na mas mauunawaan na nila ang mga taong nakakaranas ng depresyon kumpara noon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media