Connect with us

Viral

Isang Pinoy artist, pambihirang nai-drawing ang “Last Supper” sa pamamagitan lamang ng bolpen at resibo!

Published

on

Napakarami nating naranasan buhat nang dumating ang COVID-19 pandemic sa ating bansa noong nakaraang taon. Maliban sa pagsasara ng ilang mga establisyemento at kawalan ng trabaho ng karamihan ay marami ding mga tao ang nasawi dahil sa sakit na ito.

Photo credit: James Abayon Lolo / Facebook

At ngayon nga ay halos isang taon na rin mula ng mangyari ito. Kahit papaano ay kaya na rin naman nating sabihin na nasanay na rin tayo sa mga dapat at hindi natin dapat gawin.

Sa loob ng mahirap na pagsubok na ito ay natutunan nating magpahalaga sa ating mga mahal sa buhay at sa mga bagay na ating tinatangkilik noon. Hindi natin nabigyan ng halaga ang maraming mga bagay noon at sa ngayon ay natuto tayong makuntento at magpasalamat sa kung anong mayoon tayo.

Photo credit: James Abayon Lolo / Facebook

Isa pa marahil sa mga bagay na nalinang natin ay ang ating mga natatagong talento at iba pang mga libangan. Tulad na lamang halimbawa ng isang Filipino artist na ito na pinamangha talaga ang maraming mga netizens dahil sa kaniyang pambihirang pagguhit sa obra ng sikat na si Leonardo da Vinci na “Last Supper”.

Photo credit: James Abayon Lolo / Facebook

Hindi ito isang simpleng pagpipinta lamang dahil sa ang kaniyang gamit na medium ay isang manipis at maliit na resibo na madalas ay itinatapon na lamang natin basta basta. Gamit ni James Abayon Lolo na mula sa Tagum City, Davao ang kaniyang mga “ballpoint pen” na may sari-saring kulay.

Sa unang tingin ay aakalain mo pa ngang gawa ito mula sa isang computer. Kung marami ang nagtaas ng kilay kung totoo nga bang siya mismo ang gumawa nito, pinatunayan naman niyang siya talaga ang lumikha ng pambihirang obra na ito.

Photo credit: James Abayon Lolo / Facebook

Nagbahagi siya ng ilan pang mga larawan habang sinisimulan niya ang pagguhit niyang ito. Una niyang ginuhit ang imahe ni Hesus sa gitna ng resibo at unti-unti niyang iginuhit ang mga disipulo Niya sa kaniyang tabi.

Photo credit: James Abayon Lolo / Facebook

Marami ding nagsasabi na sayang ang kaniyang pagkakaguhit dahil sa resibo lamang niya ito ginawa ngunit sinabi naman niyang hindi nasayang ang kaniyang ginawa dahil sa nakapa-practice siya at nagamit pa niya ang mga materyales na mayroon siya sa mga oras na iyon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media