Connect with us

Showbiz

Ate Glow, dating sikat na impersonator ni GMA, masaya nang nakatira sa UK kasama ang kaniyang Briton na mister!

Published

on

Masayahin tayong mga Pilipino. Tila likas na natin itong katangian kahit pa nga maraming pagsubok pa ang ating kinahaharap sa araw-araw.

Hindi na nakapagtataka na marami din tayong mga mahuhusay na komedyante at impersonator sa bansa. Isa na marahil sa mga naging sikat na impersonator noon ay si Ate Glow.

Kahawig na kahawig talaga siya ng dating Pangulo ng Pilipinas na si dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo. Dahil sa pambihira niyang husay ay marami pa ring mga Pilipino ang humahanga at nakakakilala sa kaniya.

Ngunit lingid sa kaalaman ng publiko na sa UK na siya naninirahan ngayon kasama ang kaniyang mister na isang Briton. Kabilang si Ate Glow sa “LGBT” community ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi siya mahalin ng wagas ng kaniyang asawa.

Sa katunayan ay ikinasal sila noong 2016 sa Chelsea Registry Office sa Chelsea T own sa London. Dito rin ikinasal ang sikat na Hollywood actor na si George Clooney.


Inakala ng marami na nagkakilala sila sa isang “dating app” ngunit ang totoo ay nagkakilala sila sa isang app para sa mga taong mahilig uminom ng wine. Ayon sa naging pagkukwento noon ni Ate Glow ay madalas na pina-follow ng kaniyang Briton na asawa ang mga lugar na kaniyang pinupuntahan kung kaya naman napansin niya ito.

“Very open” ang mga Briton sa pakikipagrelasyon o pagpapakasal sa kaparehong kasarian. Maging ang mga magulang ng kaniyang mister ay talagang tanggap siya.

Sa ngayon ay madalas na makikita na lamang si Ate Glow at ang kaniyang mister sa kaniyang social media account. Bakas sa kanilang mga mukha ang labis na kaligayahan at ang kanilang wagas na pagmamahal sa isa’t-isa.

Tunay nga na kahit sino ka man at kahit nasaan ka pang lugar sa mundo, hahanapin at hahanapin ka talaga ng taong para sa iyo. Tulad na lamang ng naging pagtatagpo ni Ate Glow at ng kaniyang asawang dayuhan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media