Connect with us

Viral

Matapos masawi ang kaniyang misis ay talagang ninais na n g75-anyos na lalaki na makahanap ng makakasama sa gabi ng Kapaskuhan kung kaya naman nagpaskil siya ng anunsyo para rito!

Published

on

Mahalaga sa ating mga Pilipino ang panahon ng Kapaskuhan. Ito ay hindi lamang dahil sa kaarawan ito ng ating Diyos na tagapagligtas kundi dahil sa panahon rin ito ng pagbibigayan at pagmamahalan.

Photo credit: Eden Project Communities / Twitter

Kung kaya naman talagang nakasanayan na nating magdiwang ng Pasko sa piling ng ating mga mahal sa buhay. Ngunit paano kung nag-iisa ka na lamang sa buhay?

Paano mo nga kaya maipagdiriwang ang Kapaskuhan ng masaya? Marahil isa si Tony Williams sa mga taong ito.

Photo credit: Eden Project Communities / Twitter

Buhat kasi ng pumanaw ang kaniyang asawa ay talagang labis na kalungkutan na ang kaniyang naramdaman. Sa matagal na panahon nilang pagsasama ay talagang naging matatag ang kanilang relasyon bilang mag-asawa at malapit na kaibigan para sa isa’t-isa.

Photo credit: Eden Project Communities / Twitter

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumanaw ang kaniyang misis na si Jo. Wala rin silang anak kahit isa kung kaya naman naiwan na lamang si Tony na mag-isa.

Dahil nga sa parating na naman ang araw ng Kapaskuhan, sadyang napakahirap para kay Tony ang isipin na darating ang araw na ito kung saan nagdidiwang ang lahat kasama ang kanilang mga pamilya habang siya ay nag-iisa lamang. Mayroon naman siyang kapatid na babae ngunit halos 300 kilometro din ang layo ng bahay nila sa isa’t-isa.

Sa Suffolk kasi naninirahan ang kaniyang kapatid habang siya naman ay sa Gloucestershire. Naiintindihan naman ni Tony ang sitwasyon dahil bukod nga sa malayo ang kaniyang kapatid ay hindi rin ito maaaring magbiyahe dahil sa pandemya.

Photo credit: Eden Project Communities / Twitter

Dahil dito ay nakaisip siya ng isang paraan kung saan posibleng maging masaya pa rin ang kaniyang pasko. Nagpaskil kasi siya ng isang anunsyo sa kaniyang bayan na kung sino man ang mag-isa sa gabi ng Kapaskuhan ay malugod niyang iniimbitahan sa kaniyang tahanan.

Ipagluluto siya ni Tony ng isang masarap na hapunan at iinom sila ng wine. Ang nais lamang niya ay kasing edad niya sana, isang taong pareho din ng kaniyang interes, at masarap kausap.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media