Connect with us

Viral

Gugustuhin mo bang magpagupit o magpaayos ng buhok sa isang salon na puro hunks ang tauhan?

Published

on

Marami sa mga kababaihan ngayon ang talagang naglalaan na ng kanilang oras at panahon upang mag-ayos at magpaganda. Hindi lamang sila nag-aayos para sa isang espesyal na selebrasyon o di kaya naman ay para sa kaniyang trabaho kundi para na rin sa kanilang mga sarili.

Nais kasi nilang maramdaman at makitang maganda sila lalo na ang kanilang panglabas na kaanyuan. Dahil dito ay talaga namang patok na patok sa atin ang mga salon, spa, at marami pang mga lugar kung saan ka maaaring makapag-relaks at makapag-ayos ng iyong sarili.

Kamakailan lamang ay muli na namang kumalat ang larawan ng mga lalaking matitipuno ang mga katawan na tauhan ng isang salon. Talaga namang giliw na giliw ang publiko dahil sa madalas ay babae o di kaya naman ay binabae ang madalas na nag-aasikaso sa mga kostumer ng salon.


Sa lugar kasi na ito ay mga lalaki ang nag-aayos ng buhok ng kanilang mga kostumer kung kaya naman talagang napa-sana all ang marami. Ayon sa naging artikulo ng “Kicker Daily News”, ang mga larawan pala na ito ay kuha mula sa Sutteerak Hair Salon na matatagpuan sa Chanthanimit, Mueang Chanthaburi District, Thailand.

Noon pang Mayo 2, 2018 ang mga larawan na ito nang magbukas ang ikalawang branch ng naturang salon. Naisipan ng may-ari ang kakaibang pakulo na ito kung saan kumuha sila ng ilang mga modelo upang mai-promote ang kanilang salon.

Hindi lamang nag-ayos ng buhok ang mga lalaking ito dahil sa sumayaw din sila upang pakiligin ang maraming mga kababaihang dumayo sa salon. Maliban pa rito ay nasiyahan din ang maraming mga kostumer dahil sa 10% discount na maaaring gamitin sa loob ng isang taon!

Halos dalawang taon na rin pala ang nakalilipas buhat ng mangyari ito ngunit hanggang sa ngayon ay talagang marami pa rin ang hindi maka-move on sa nakakabilib na “marketing strategy” ng salon na ito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media