Connect with us

Showbiz

Assunta De Rossi hindi napigilang maging emosyonal nang ikwento ang pagdating ni Baby Foire sa kanilang pamilya!

Published

on

Si Maria Assunta Tiotangco Schiavone o si Assunta De Rossi sa harapan ng kamera ay 37 taong gulang na aktres. Marami ang humahanga sa kaniya hindi lamang sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan kundi maging sa mahusay niyang pagganap sa kaniyang mga karakter.

Ang kaniyang kapatid na si Alessandra De Rossi ay isa ring mahusay na aktres. Pareho na silang nagkaroon ng “Best Actress award” sa Metro Manila Film Festival.

Taong 2004 nang ikasal siya sa kaniyang mister na si Jules Ledesma, isang pulitiko. Naging kontrobersiyal ang kanilang pagpapakasal noon dahil sa malaking agwat ng kanilang edad.

Ngunit pinatunayan nilang tunay ang kanilang pag-iibigan. Kamakailan lamang ay ibinahagi niya ang kaniyang naging karanasan mula nang dumating sa kanilang buhay ang “miracle baby” niyang si Baby Foire.

Ayon kay Assunta ay talagang nawawalan na sila ng pag-asa na magkaanak. Kung kaya naman pumapasok na rin sa kaniyang isipan na magtungo sa ibang bansa at kumuha na lamang ng magiging surrogate ngunit gusto talaga nilang magkaroon ng “biological” na anak.


Marami na silang sinubukan na paraan para lamang magkaroon ng anak noon. Isa na nga rito ang In Vitro Fertilization (IVF) kung saan ilang beses silang nabigo.

Hanggang sa sumuko na lamang siya at tinanggap na lamang na hindi na niya mararanasang magbuntis at magsilang ng kaniyang sariling anak. Ngunit isang araw ay talagang nabigla na lamang siya nang malaman niyang nagdadalang-tao pala siya.

Hindi niya talaga ito inaasahan dahil sa halos 16 taon din nila itong hinintay. Bilang isang ina ay talagang hindi niya napigilang maging emosyonal at maiyak lalo na nang sumapit ang unang buwan ni Baby Fiore.

Hindi niya akalaing napakasarap pala talaga sa pakiramdam ang maging isang ina. Noon pa man ay palagi na niyang dinarasal na sana ay hindi lumaking matigas ang ulo at pasaway ng kaniyang anak.

Nangako din umano siya sa Diyos na papalakihin niya ang kaniyang anak na mayroong takot sa Diyos at talagang pupuspusin niya ito ng pagmamahal.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media