Connect with us

Health

Anthony Taberna nagbahagi ng larawan ng kaniyang 12 taong gulang na anak na nagpakalbo matapos mag-chemotherapy!

Published

on

Walang ibang nais ang mga magulang kundi ang ikabubuti ng kanilang mga anak. Gaano man kahirap ang buhay ay talagang pagsusumikapan pa rin ng mga magulang na ibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanilang mga anak sa abot ng kanilang makakaya.

Photo credit: Anthony Taberna / IG

Hindi alintana ang hirap, pagod, at sakripisyo dahil nais nilang palaging ligtas at masaya ang kanilang mga anak. Ngunit napakahirap palang malaman na ang isa sa iyong mga anak ay mayroong malalang karamdaman.

Tila gumuho daw kasi ang mundo ng sikat na host at broadcaster na si Anthony Taberna nang malaman nilang may malalang sakit ang anak nilang si Zoey. Si Zoey ay 12 taong gulang pa lamang at talagang napakabata pa upang makaranas ng ganitong klase ng pagsubok.

Photo credit: Anthony Taberna / IG

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng larawan si Anthony kung saan makikita ang kaniyang anak na tuluyan nang nagpakalbo dahil sa nalalagas niyang buhok mula sa kaniyang chemotherapy. Hindi napigilang maging emosyonal at maiyak ni Anthony sa pinakitang katatagan at katapangan ng kaniyang anak kahit pa alam niyang napakalaking bagay sa kaniya ang mahaba niyang buhok lalo na at isa siyang babae.

Photo credit: Anthony Taberna / IG

Ngunit kapansin-pansin naman sa larawan ni Zoey na pinipilit nitong magpakatatag sa likod ng kaniyang mga ngiti. Ibinahagi din niya sa social media ang naging karanasan niya at ng kaniyang pamilya.

Sa edad na 11 taong gulang noong 2019 ay natuklasan ng mga doktor na hindi lamang pala simpleng sakit sa buto o sakit sa binti ang kaniyang nararanasan kundi sakit na mismo sa kaniyang “bone marrow” o leukemia.

Photo credit: Anthony Taberna / IG

“I can’t believe it’s already been a year naaaa. One year ago today, I was rushed to the hospital at 2am because I couldn’t walk and my legs were so painful. We had no idea on what was happening to me,” Pagbabahagi ni Zoey sa kaniyang social media account.

Hindi naging madali ang lahat ng kanilang pinagdaanan at pinagdaraanan ngunit nanatiling positibo ang buong pamilya ni Zoey para sa kaniyang pagtatagumpay sa karamdaman na ito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media